TOP 1 PROVINCIAL LEVEL MOST WANTED PERSON SA ZAMBOANGA SIBUGAY, TIMBOG SA BOLINAO, PANGASINAN

Arestado ang Top 1 Provincial Level Most Wanted Person ng Zamboanga Sibugay sa bayan ng Bolinao, Pangasinan.

Ayon kay Bolinao PS, PCpt. Christopher Nacional, ang Deputy Chief-of-Police, nagkasa ng manhunt operation ang pulisya matapos ang pakikipag-ugnayan ng hanay ng kapulisan ng Zamboanga Sibugay na mayroong kinakaharap ng kaso ang lalaki.

Nakilala ang suspek na isang 20 anyos, at residente ng Brgy. Ilog-Malino, Bolinao.

Nahaharap ang suspek sa kasong rape at walang inirekomendang pyansa.

Nilinaw na bagamat nananatili ngayon sa nasabing bayan ang suspek, ay tumira rin ito sa Zamboanga Sibugay kung saan doon nito nagawa ang nasabing kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments