Top 10 sa drug watchlist ng PDEA Region Ten, naaresto

Northern Mindanao – Naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Region 10 ang dating priso na kabilang sa kanilang Top 10 drug watchlist.

Ang suspek ay nakilalang si Walter Rosero, miyembro ng Batang Mindanao na taga Barangay Bugo dito sa syudad ng Cagayan de Oro.

Nakuha mula kay Rosero ang malalaking pakete ng shabu, armas at notebook na may listahan sa mga may utang sa iligal na droga.


Napag-alaman na matapos makalaya ang suspek dahil sa kasong frustrated murder, doon na nagsimula ang kanyang pagbebenta ng iligal na droga.

Facebook Comments