Top 2 Most Wanted sa Quiapo, Manila, arestado

Arestado ang 37-anyos na lalaking 15 taong nagtatago sa batas.

Si Wilfredo Laya, Jr. ay nahaharap sa dalawang murder cases at tatlong kasong attempted murder at itinuturing na Top 2 Most Wanted sa Quiapo, Manila.

Nakatanggap ang mga awtoridad ng tip mula sa impormante na ang akusado ay nagtatago sa DasmariƱas, Cavite kaya agad na nagsagawa ng operasyon ang Manila Police District (MPD).


Si Laya ay dinala muna sa Jose Reyes Memorial Medical Center para sa routine medical checkup na requirement bago ikulong.

Facebook Comments