Top 3 most wanted person sa Basilan, arestado sa Pagadian

Pagadian – Nilusob ng mga otoridad ang tinataguriang ‘Campo Islam” sa lungsod ng Pagadian na kung saan nagtatago ang top number 3 most wanted person sa probinsya ng Basilan.

Rehas na bakal ang binagsakan ng suspek na si Tony Burah Samson alyas Dawabi Asmon, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Leojay Principe ng Basilan Regional Trial Court Branch 1, inaresto ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang isinagawang police operation nangyari alas 7:30 kagabi.
DZXL558


Facebook Comments