Top 3 Most Wanted sa Alicia, Isabela, Natimbog Na!

106

*Alicia, Isabela*- Nasa kamay na ng kapulisan ang Top 3 Most Wanted sa bayan ng Alicia, Isabela matapos itong madakip bandang alas dose kaninang tanghali sa brgy. Mataas na Kahoy, Alicia, Isabela.

Ang nadakip ay kinilalang si Zaldy Gascon, kwarenta anyos, isang driver at residente rin ng nasabing barangay.


Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, natimbog si Gascon sa bisa ng mandamiento de aresto na inihain ni hukom Grace Ruiz ng RTC Branch 22, Malolos City, Bulacan dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Pansamantalang makakalaya si Gascon kung makakapaglagak ng kanyang piyansang nagkakahalaga ng 40,000.00.

Facebook Comments