Top 4 Most Wanted na may 5 Counts Rape sa Cauayan City, Arestado!

41

Cauayan City, Isabela- Nahaharap sa kasong Paglabag sa RA 7610 o Child Abuse Law ang isang Top 4 Most Wanted sa lungsod ng Cauayan dahil sa pangmomolestiya sa isang menor de edad.

Ang suspek ay kinilalang si Lucas Bautista, trentay singko anyos, walang asawa at residente ng barangay Nungnungan, Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Inspector Esem Galiza, Police Information Officer ng PNP Cauayan City, si Bautista ay nadakip kahapon sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Raul Babaran ng RTC Branch 19 Cauayan City, Isabela dahil sa kaso nitong 5 Counts Child Abuse.

Hawak na ng PNP Cauayan City si Bautista at Pansamantalang makakalaya kung ito ay makakapaglagak ng piyansang siyam na raang libong piso (900,000.00).

Facebook Comments