Top 4 most wanted person ng Muntinlupa, arestado na

57

Hindi na pumalag pa si Cristobal Dagle Dorado nang ihain sa kaniya ang warrant of arrest ng mga pulis ng Muntinlupa sa kasong attempted murder.

Sa ginawang surveillance ng Muntinlupa Philippine National Police (PNP) laban sa suspek, natunton nila ang kinaroroonan nito.


Kaya naman, agad silang nagsagawa ng operasyon laban sa suspek.

Pasado alas-8:30 kagabi ng salakayin ng mga otoridad ang bahay ng suspek sa 113 Wawa St., Davao Compound Barangay Alabang, Lungsod ng Muntinlupa.

Si Dorado, 29-anyos, isang construction worker, ay ang Top 4 most wanted person para sa quarter 3 ngayong taon ng Muntinlupa City Police.

Si Judge Liezel Aquiatan ng Regional Trial Court Branch 206 ng naturang lungsod ang nag-isyu ng warrant of arrest laban sa suspek.




Nakakulong na si Dorado sa Muntinlupa City Police Station Custodial Facility upang harapin ang kasong isinampa laban sa kanya.

Facebook Comments