Top 6 most wanted ng Novaliches, arestado

24

Bumagsak na sa kamay ng Novaliches Police Station ang Top 6 Most Wanted Person nito.

Ito ay kinilalang si Isagani Baloro, 19-taong gulang at residente ng Tawid Sapa, Brgy. San Agustin, Novaliches, Quezon City.

Nadakip si Baloro sa pamamagitan ng Simultaneous Enhanced Management of Police Operation na ikinasa ng mga tauhan ng Novaliches Police Station.

Inaresto si Baloro sa bisa ng warrant of arrest na inalabas ng Quezon City Regional Trial Court Branch 215 para sa kasong Robbery na may piyansang 120,000 pesos.

Facebook Comments