TOP 6 MOST WANTED PERSON NG ZAMBALES, ARESTADO NG PANGASINAN PPO

Arestado ang isang labingwalong taong gulang na lalaki na kabilang sa Top 6 Provincial Most Wanted Persons ng Zambales Police Provincial Office sa bayan ng Infanta, Pangasinan, noong Oktubre 12, 2026.

Ayon sa Pangasinan Police Provincial Office, isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Infanta Municipal Police Station, katuwang ang Sta. Cruz Municipal Police Station ng Zambales PPO.

Dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong rape by sexual assault na inirekomendang piyansa na ₱180,000 para sa nasabing kaso.

Matapos ang pag-aresto, dinala ang suspek sa Infanta Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at ibapang legal na proseso.

Ayon sa Pangasinan PPO, patunay ang matagumpay na operasyon ng patuloy na pagtutulungan ng mga kapulisan sa magkakapitbahay na lalawigan upang matunton at maaresto ang mga wanted na indibidwal at maiharap ang mga ito sa nararapat na awtoridad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments