Top 7 MostWanted ng Victorias City MPS, naaresto sa Boracay

15

Boracay Island – Arestado ng mga otoridad ang Top 7 Most Wanted ng Victorias City MPS kagabi sa Sitio Diniwid, Brgy. Balabag, Boracay, Malay, Aklan.
Ang akusado ay kinilalang si Rolando Magbanua, 52 anyos, construction worker at taga Victoria’s City Negros Occidental.
Inaresto si Magbanua ng mga taga Malay PNP sa bisa ng Warrant of Arrest na may Criminal Case No. 12953-40 sa kasong Murder na ibinaba ni Hon. Dyna Doll Chiongson-Trocio, Presiding Judge, RTC, Branch 40 6th Judicial Region, Silay City Negros Occidental na may petsang April 19, 2021.
Walang pyansa na inirekomenda ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Sa ngayon ay pansamantalang nakakulong sa Malay PNP si Magbanua at nakatakdang iturn-over sa nasabing korte.

Facebook Comments