Top 8 Most Wanted Person ng Ivisan MPS, arestado sa bayan ng Madalag

23

Madalag, Aklan – Arestado ang Top 8 Most Wanted Person ng Ivisan Municipal Police Station sa isinagawang operation kaninang umaga sa Brgy. Talangban, Madalag, Aklan. Ang akusado ay kinilalang si Untayao Lipardo alyas “Nestor”, 57-anyos at native ng Brgy. Matnog, Ivisan, Capiz at presenting nakatira sa Brgy. Talimagao sa nasabing bayan. Inaresto si Lipardo ng pinagsanib na pwersa ng Madalag PNP ag Ivisan PNP sa pamamagitan ng bisa ng Alias Warrant na may Criminal Case No. 171-19 sa kasong Violation of Article 166-A paragraph -1 (d) in relation to Article 266-b paragraph 5 of R.A. 8353 (STATUTORY RAPE) na inisyu ni Hon. Esperanza Isabel E. Poco-Deslate, Presiding Judge, RTC-6, Branch 6, Roxas City at may petsang Nobyemre 28, 2019. Walang piyansa na itinakda ang korte para sa kanyang pansamantalang kalyaan. Sa ngayon ay temporaryo munang nasa kustodiya ng Madalag PNP ang akusado para sa dukomentasyon at i-turn over naman sa Ivisan PNP para maiharap na korte.

Facebook Comments