Top 8 Most Wanted Person sa San Mateo, Isabela, Timbog!

267

*San Mateo, Isabela- *Arestado ang isang lalaki na wanted sa batas at itinuturing na Top 8 Most Wanted Person sa bayan ng San Mateo, Isabela.

Ang akusado ay kinilalang si Alvin Rosario, 40 anyos, may-asawa at residente ng Brgy.Malasin, San Mateo, Isabela.


Si Rosario ay nahaharap sa dalawang kaso ay siya ay hinuli sa bisa ng warrant of arrest na inihain ni hukom Erick B Banasan, ng MTC San Mateo, Isabela at hukom Ariel Palce ng Branch 40, Cauayan City dahil sa kasong Grave Threat at kasong paglabag sa RA 9262 o VAWC Law.

Nasa kustodiya na ng PNP San Mateo ang akusado at pansamantalang makakalaya kung makakapag piyansa ng halagang P36,000.00 para sa kanyang kasong Grave Threat habang P72,000.00 naman ang inirekomendang piyansa ng korte para sa Kasong paglabag sa RA 9262.

Facebook Comments