Friday, March 13, 2026

Top most wanted ng Bicol na may 26 na kaso ng rape, naaresto ng PNP

Naaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang top most wanted ng Bicol sa Brgy. Sabang Naic Cavite.

Ang nasabing suspek ay 46 na taong gulang at nahaharap sa 26 na kaso ng qualified rape.

Kaugnay nito, ang nasabing pagkakaaresto ay naging posible dahil sa inilabas na warrant of arrest laban sa kanya na inisyu ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, Fifth Judicial Region, Branch 51, sa Sorsogon City.

Kung saan ang nasabing kaso ay walang rekomendang pyansa .

Sa ngayon ang nasabing suspek ay nasa kustodiya ng Juban Municipal Police Station para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments