Top Security officials ng Indonesia, Malaysia at Pilipinas-muling magpupulong sa Oktubre

62

Manila, Philippines – Muling Magpupulong sa Oktubre ng taong ito ang matataas na security at intelligence officials ng Pilipinas, Indonesia, at Malaysia.

Ang susunod na pagpupulong ay gaganapin sa Indonesia.

Bahagi pa rin ito ng pagtutulungan ng mga bansa sa intelligence gathering sa harap ng paglusob ng IS-affiliated Maute group sa Marawi City.


Layon din nito na mahadlangan ang pagpapalawak ng operasyon ng grupo sa Southeast Asian region.

Noong Lunes, sinimulan na ng Indonesia, Malaysia at Pilipinas ang joint maritime operation sa Indonesia para labanan ang transnational crimes at terorismo sa Sulu Sea.

Kahapon unang nagpulong sa Pasay City ang top security and intelligence officials ng tatlong bansa.



Facebook Comments