Toronto Raptors – naitabla ang serye kontra Milwaukee Bucks sa Eastern Conference Playoffs ng NBA

18

NBA – Naitabla ng Toronto Raptors sa 1-1 ang kanilang serye kontra Milwaukee Bucks sa nagpapatuloy na Eastern Conference Playoffs sa NBA.

Nanalo ang Raptors sa score na 106-100 kung saan naguna sa panalo sina Kyle Lowry na may 22-points at Demar Derozan na may 23-points.

Sa interview kay Lowry, ginawa nila ang napag-usapang play para pigilan ang star player ng bucks na si Giannis Antetokounmpo para masiguro ang panalo.

Samantala, tinambakan naman ng Chicago Bulls ang Boston Celtics para masungkit ang ikalawang sunod na panalo sa playoffs.

Nanalo ang Chicago sa score na 111-97 at nanguna sa panalo sina Dwayne Wade at Jimmy Butler na kapwa nakakuha ng tig-22-points kaya’t hawak nila ngayon ang 2-0 lead laban sa Boston.

Kasalukuyan naman naglalaro sa game 2 ng Western Conference Playoffs ang Los Angeles Clippers at Utah Jazz.
Nation

Facebook Comments