Total asset ni Vice President Leni Robredo, tumaas noong nakaraang taon

289
COURTESY: VP Leni Robredo

Bahagyang lumaki ang total asset o kayamanan ni Vice President Leni Robredo noong nakaraang taon.

Ito ang nilalaman ng kaniyang isinumiteng Statement of Assets Liabilities and Net worth (SALN) para sa taong 2019.


Base sa kaniyang SALN, tumaas sa 15.4 million pesos ang total asset sa taong 2019 kumpara sa 14.2 million pesos noong taong 2018.

Tumaas din ang net worth ni Robredo kung saan mula sa dating 2.3 million pesos noong 2018 ay naging 3.5 million pesos ito ng 2019.

Sa ilalim ng kaniyang assets, lumaki ang kaniyang cash sa 8.5 million pesos mula sa dating 7.3 million pesos.

Facebook Comments