TOTAL DEPLOYMENT BAN | Bureau of Immigration, nagbabala sa mga tauhan nitong magpapalusot ng OFWs sa Kuwait

28

Manila, Philippines – Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) laban sa mga tiwaling tauhan nito na makikipagsabwatan sa mga sindikato para makapagpalusot ng OFWs patungo ng Kuwait.

Sa harap ito ng pinaiiral na total deployment ban sa Kuwait.

Sinabi ni BI Port Operations Division Chief Red Mariñas na masususpinde at maaring matanggal sa serbisyo ang immigration officers na masasangkot sa escort service.

Umapela rin si Marinas sa publiko na i-report sa kanila ang immigration personnel na masasangkot sa nasabing katiwalian.

Epektibo na kaninang alas siete ng umaga ang alerto ng Bureau of Immigration kaugnay ng nasabing direktiba ng Labor Department.

Facebook Comments