TOTOO BA? | Maine Mendoza at Arjo Atayde, magkasama na nagbakasyon sa Bali, Indonesia?

Manila, Philippines – Confirmed! totoo ngang nagpunta sa Bali, Indonesia nitong nagdaang halloween break si Maine Mendoza.

Mismong ang aktres na ang nagbahagi sa kanyang Instagram ng larawang kuha sa Bali habang nakasakay siya sa duyan.

Pero ang tanong ngayon ng netizens, magkasama ba sila ni Arjo Atayde na nagbakasyon sa Bali?


Naging usap-usapan kasi kamakailan na namataan si Maine sa Umapakel Agro Tourism kung saan tiyempo ring na-ispatan si Arjo kasama ang pinsang si Gab Atayde at kaibigang si Alex Godinez.

Sina Maine at Arjo ay naging magkatrabaho sa pelikulang Jack Em Popoy: Da Piliscredibles na MMFF 2018 entry nina Coco Martin at Vic Sotto.

Simula noon, ilang beses nang namataang magkasama ang dalawa sa labas ng trabaho.

Pero say ng kaibigan ng dubsmash queen na si Sheena Halili – walang namamagitan kina Maine at Arjo at kaibigan lang daw ang turing ni Maine sa aktor.

Facebook Comments