TOURIST DESTINATION | Rizal Park, inendorso ni Catriona Gray

Manila, Philippines – Labis na ikinagalak ng pamunuan National Parks Development Committee (NPDC) ginawang personal na pag-endorso ng bagong Miss Universe Catriona Gray sa Rizal Park bilang pangunahing ‘Tourist Destination’ ng Pilipinas.

Ayon kay NPDC Executive Director Penelope Belmonte na nagtungo si Gray sa Luneta Park at gumawa ng videotaped endorsement nang walang kapalit.

Nai-feature aniya sa nasabing video ang Luzon at Luneta ang ipinakita sa pagsisimula nito.


Napag-alaman na personal na tinanggap ni Belmonte si Gray sa pagbisita nito sa Rizal Park kung saan natalakay nila ang iba’t ibang topic gaya ng turismo at mga personal nilang adbokasiya.

Ikinatuwa ni Belmonte na may mga inaalagaang kabataan si Gray mula sa mahihirap na komunidad ng Tondo dahil siya man ay may mga sarili ding inaalagaan na street children.

Umaasa si Belmonte na makabisitang muli si Gray sa Luneta upang makapiling ang mga mahihirap na batang inaalagaan ng NPDC sa pamamagitan ng mga pangunahing pangangailangan at daycare teaching.

Facebook Comments