TOURIST POLICE UNIT SA DAGUPAN, NAKAHANDA NA; SEGURIDAD SA MGA PASYALAN HINIGPITAN

Nakalatag na ang inisyal na deployment plan ng Dagupan City Police Office (DCPO) para sa nakatakdang Tourist Police Unit (TPU), na tututok sa pagbabantay sa mga pangunahing pasyalan sa lungsod, partikular sa Tondaligan Beach.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay PLTCOL Roldan Suitos, Chief ng City Community Affairs and Development Unit (CCADU) at City Operations Management Unit, sinabi nitong nakahanda na ang sampung inisyal na bilang ng police personnel kasama ang force multipliers para sa unang yugto ng pagpapatupad ng inisyatiba.

Noong Mayo 5, inihain sa regular na sesyon ng Sangguniang Panlungsod ang panukala para sa pag-activate ng Tourist Police Unit sa mga pangunahing tourist hubs sa Dagupan City bilang bahagi ng Philippine National Police Safer Cities Initiative.

Dagdag ni Suitos, marami sa mga barangay sa lungsod ang tinututukan dahil sa mga dumadagsang bisita bukod sa Tondaligan Beach. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments