Tourist revenue, bumaba ng 75% kasabay ng paghihigpit sa pagpasok ng mga dayuhan sa bansa 

61

Patuloy na bumababa ang foreign arrivals sa bansa sa gitna ng paghihigpit sa international borders dahil sa COVID-19 pandemic. 

Sa datos ng Bureau of Immigration (BI), bumaba sa 75.15% ang tourism revenue o nasa ₱81.05 billion mula Enero hanggang Hulyo 2020 kumpara sa ₱326.15 billion na narekord sa kaparehas na panahon noong nakaraang taon. 

Nakapagtala lamang ng 1,318,718 foreign visitors mula Enero hanggang Agosto ngayong taon. 

Nasa 76.26% ang ibanaba nito kumpara sa 5,554,950 arrivals sa kaparehas na panahon noong 2019. 

Una nang sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na pagtutuunan ng gobyerno ang muling pagbuhay ng domestic tourism sa susunod na taon. 

Facebook Comments