Toyota Prado bumangga sa tindahan, mga sakay at may ari ng tindahan sugatan

28

Nabas, Aklan – Bumangga ang sasakyang ito sa isang tindahan matapos na mag over shoot kagabi sa Pandan-Nabas junction sa Brgy. Solido, Nabas, Aklan.
Base sa report ng Nabas PNP na nakatanggap sila nga tawag galing sa isang concerned citizens na merong aksidente sa lugar at agad namang ni-respondehan.
Sa kanilang imbestigasyon lumalabas na ang nasabing Toyota Prado ay minamaneho ni Jay Mark Yutob De Asis, 25-anyos, residente ng Brgy. Gibon at meron itong kasama na si Bryan Baliguat Caigoy, 22-anyos at resident eng Brgy. Alimbo Baybay sa nasabing bayan.
Galing ang mga ito sa direksyon ng Ibajay at papuntang Nabas pero pagdating sa lugar ng aksidente ay nag-over shoot ito at bumangga sa isang tindahan na pagmamay-ari ni Fe Ladera Quisoy, 49-anyos at residente ng Brgy. Magallanes, Nabas.
Nag resulta ito sa pagkasira ng nasabing tindahan at pagtamo ng minor injury ng may-ari dahil nasa loob ito nakahiga ng mangyari ang aksidente habang ang sakay ng nasabing sasakyan ay nagtamo rin ng minor injury kung saan dinala sila sa Ibajay District Hospital para mabigyan ng tamang pag gamot.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Nabas PNP sa nasabing aksidente.

Facebook Comments