
Planong magbukas ang Department of Tourism (DOT) ng mga oportunidad at trabaho para sa mga kwalipikadong senior citizen.
Ito’y kasunod ng nilagdaang memorandum of understanding (MOU) sa pagitan ng DOT at National Commission of Senior Citizens sa Makati City.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, nagsasagawa na sila ng needs assessment para maihanay ang kanilang training program sa mga benepisyaryo.
Aniya, ia-activate ng Tourism Department ang regional offices nito para maisama ang mga senior citizen sa kanilang mga pagsasanay para sa mga tourism stakeholder.
Samantala, ikinatuwa naman ng mga hanay ng senior citizens ang naturang programa ng DOT.
Facebook Comments