TRABAHO | DOLE, magsasagawa ng job fair para sa mga manggagawang apektado ng temporary shutdown ng Boracay

23

Manila, Philippines – Magsasagawa ng job fair ang gobyerno para sa mga manggagawang maaapektuhan ng pagsasara ng Boracay.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, target ng job fair na matulungan ang nasa 36,000 manggagawa sa isla.

Aniya, isasagawa ang job fair bago ang pagsasara ng Boracay sa Abril 26.

Pero bago ito, magsasagawa muna ng profiling ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga residente ng Boracay para malaman kung anong trabaho ang maaaring ialok sa mga maapektuhan ng pagsasara ng isla.

Facebook Comments