
Nananatiling normal ang trabaho ng karamihang mga Pilipino sa United Arab Emirates (UAE) sa gitna ng tensyon sa Middle East.
Ayon kay Migrant Workers Sec. Hans Leo Cacdac, ito ang dahilan kung bakit maraming Pinoy workers sa UAE ang nag-aatubiling umuwi ng Pilipinas kahit na nayayanig sila ng mga bombahan.
Sinabi ni Cacdac na sa Abu Dhabi ay nananatiling normal ang pasok ng Overseas Filipino Workers (OFWs) habang sa Dubai ay may mga Pinoy na naka-work from home.
Tiwala rin aniya ang Pinoy workers sa proteksyon sa kanila ng UAE government kaya nagpasya ang maraming OFWs na manatili na lamang doon.
Samantala, tiniyak din ni Cacdac na kabilang sa kanilang sinisikap na mai-repatriate ang mga turistang Pinoy na na-stranded sa UAE at iba pang mga bansa sa Middle East.










