TRABAHO PARA SA MGA KABATAAN SA LUNGSOD NG DAGUPAN, ILULUNSAD

DAGUPAN CITY, PANGASINAN – Nakatakdang ilunsad sa lungsod ng Dagupan ang mas maraming job opportunities sa mga kabataan ayon sa Public Employment Services Office o PESO.

Pinulong ng ahensya ang mga representante ng mga establisyimento sa lungsod upang mapag-usapan ang maaaring partnership sa pagbibigay ng trabaho sa edad 18-24 na DagupeƱo.

Nakatakda umanong sumailalim ang mga kabataan sa skills training, technical training at internship kung saan babayaran ang mga benepisyaryo.


Ayon naman kay Department of Labor and Employment Regional Director, Evelyn Ramos, sa naturang programa magiging handa o job ready ang mga ito sa kanilang papasukang trabaho.
Samantala, kabilang umano ito sa programa ng lokal na pamahalaan upang makabangon ang ekonomiya ng lungsod mula sa nararanasang pandemya.

Facebook Comments