Tracing Czar Mayor Magalong “irreplaceable” ayon sa NTF

40

Matapos maghain ng kanyang irrevocable resignation si Baguio City at contact tracing Czar Secretary Benjamin Magalong dahil sa paglabag nito ng kanyang asawa at ilang celebrities sa health and safety protocols matapos dumalo sa isang party sa Baguio City kamakailan.

Sinabi ni National Task Force Against COVID-19 at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez na wala itong katulad at hindi sya makakapayag na mawala sa team si Mayor Magalong.


Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Galvez na aakyat siya ng Baguio City ngayong weekend upang kausapin si Magalong upang hindi na nito ituloy ang kanyang resignation.

Bagama’t bibihira lamang aniya ang katulad ni Mayor Magalong na may delicadeza, aminado itong mahihirapan silang makahanap ng kapalit nito.

Paliwanag ni Galvez, malaki ang naitulong ni Magalong sa pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa dahil sa ipinatutupad nitong sistema sa contact tracing.

Kanina, sinabi ni Magalong na kung si Pangulong Rodrigo Duterte ang magsasabing huwag siyang magbitiw bilang contact tracing czar ay kanya itong susundin.




Facebook Comments