Tracker teams na tutugis sa 9 na sinibak na pulis na sangkot sa Jolo shooting incident, binuo ng PNP

156

Hawak na ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region ang warrant of arrest na inilabas ng korte laban sa siyam na sinibak na pulis na sangkot sa pagpatay sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu noong nakaraang taon.

Inihayag ito ni PNP Chief Pol. Gen. Debold Sinas matapos kumpirmahin na may binuo na silang tracker team para tugisin at hulihin ang mga ito.


Bukod aniya sa tracker teams, sinabi ng PNP Chief na mayroon na rin silang negosasyon sa mga dating kabaro para kusang lumutang at sumuko ang mga dating pulis.

Giit ni Sinas, kung talagang inosente ang mga dating pulis tulad ng kanilang depensa, dapat lumutang ang mga ito at patunayan ito sa korte ngunit kung magmamatigas ang mga ito ay mapipilitan silang gawin ang pag-aresto.

Sa ngayon, naniniwala si PNP Chief na nasa Jolo lamang ang siyam na pulis matapos silang palayain sa Camp Crame nang tanggalin na sila sa serbisyo.

Facebook Comments