Muling iginiit ng Provincial Veterinary Office ng La Union ang pagbabawal sa pagtatandok o ang tradisyonal na pagsipsip sa viral antigen na rabies kapag nakagat ng aso ang Isang indibidwal.
Sa ulat ng tanggapan, hindi ligtas ang pagtatandok at maari pang magdulot ng komplikasyon sa katawan ng isang tao tulad ng mataas na tsansang magka-tetanus.
Noon pang 2014 ay naipatupad ang Provincial Ordinance No. 053 na nagbabawal sa pagtatandok sa buong lalawigan at karampatang multa na P5, 000 o isang taong pagkakakulong.
Samantala, nakitaan naman ng pagbaba ang naitalang kaso ng rabies sa La Union noong nakaraang taon na nasa pito mula sa labing apat na kaso noong 2023.
Bagaman bumaba ang naitalang kaso ng rabies, patuloy na hinihikayat ng tanggapan ang pagtangkilik sa mga vaccination drives at pakikiisa sa kampanya tungo sa responsible pet ownership. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨