Traffic enforcer, arestado matapos makuhaan ng 2.5 grams na shabu sa Baguio City

6583

Nahuli sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang traffic enforcer ng Land Transportation Office (LTO) sa Baguio City kaninang umaga.

Kinilala ito na si Ginno Manolo Castillo Banta, 30 anyos, LTO employee at residente ng Fatima St. Bayan Park Aurora Hill, Baguio City.

Nakuha sa kaniya ang 2 sachet ng shabu na umaabot sa 2.5 na gramo, boodle money, cellular phone at LTO ID card.

Si Banta ay kabilang sa listahan ng high value target ng PDEA.

Sa ngayon, nahaharap siya sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Facebook Comments