Traffic Enforcer inaway ng isang dispatcher sa Surigao City

Traffic Enforcer inaway ng isang dispatcher sa Surigao City. Isang linggo matapos binaril at namatay ang Traffic Enforcer na si Jeffrey Murillo, 40 taong gulang, nagka-initan na naman ang isa pang traffic enforcer at dispatcher sa San Nicolas St., Surigao City. Kinilala ang bagong nagka-isyu na Traffic Enforcer na si Serg Ciriaco Maceren, ang nakaaway nito ang dispatcher na isang Ely Altres. Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, sinita ni Maceren ang dispatcher dahil diumano’y nag-pick up ng mga pasahero sa ipinagbabawal na lugar malapit sa pedestrian lane nang nagkainitan ang dalawa. Alegasyon ng dispatcher sinigawan siya ng Traffic Enforcer at sinubukang suntukin. Ngunit ayon naman kay Maceren, nakatanggap siya ng banta sa buhay nang sinabi ni Altres na hindi na siya aabutan kinabukasan. Binigyangdiin ng Traffic Enforcer ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho sa paghuli sa mga lumabag sa Traffic Ordinance kaya sana hindi masamain ng dispatcher. Matapos pinatawag sa City PNP sina Maceren at Altres ang nagkaayos rin.

Facebook Comments