Traffic rerouting plan para sa SONA sa Lunes, inilabas na ng MMDA

Manila, Philippines – Naglabas na ng traffic rerouting plan ang MMDA para sa araw ng SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, July 24.

Sa abiso, lahat ng motoristang papalabas sa Commonwealth Avenue na patungong Mindanao Avenue ay pinapayuhang kumaliwa sa Fairlane, kumanan sa Dalia avenue, kaliwa ulit sa Chesnut at diretso sa Sauyo Road.

Mula SM Fairview o Robinsons Supermarket, sa Quirino Highway padadaanin ang mga sasakyan at diretso sa Minadanao Avenue patungong destinasyon.


Para naman sa mga manggagaling sa Fairview o Mindanao avenue, kumanan sa Jordan Plains diretso sa Quirino Highway patungong Mindanao Avenue hanggang sa destinasyon.

Facebook Comments