Traffic sa EDSA, naresolba na ayon kay Pangulong Duterte

78

Ipinagmamalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte na naresolba na ng pamahalaan ang traffic congestion sa EDSA.

Sa interview ni Pastor Apollo Quiboloy, sinabi ni Pangulong Duterte na maluwang na ngayon ang trapiko sa EDSA kumpara noon na tila parang krisis.


Aniya, ang biyaheng Cubao patungong paliparan ay nasa 15 minuto na lamang.

Ang konstrukyon ng 18-kilometrong Skyway Stage 3 project ay nakatulong para mapaluwag ang trapiko sa EDSA.

Facebook Comments