TRAHEDYA SA DAGAT | 16 na migrants at refugees, patay matapos malunod sa pagtangkang pagtawid ng Aegean Sea

83

Greece – Nasawi ang nasa 16 na tao na pawang mga migrants at refugees
kabilang ang limang bata matapos tumaob ang kanilang maliit na sasakyang
pandagat sa Aegean Sea.

Nangyari ang insidente malapit sa Agathonisi Island, Greece.

Hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

Ayon sa Greek authorities, lumalabas na 22 tao ang sakay nito kaya bukod sa
coast guard vessels ay tumutulong na rin ang mga helicopters sa mga
posibileng nakaligtas.

Mula pa noong 2015 ay libu-libong migrants at refugees mula Turkey ang
nagkubli sa Greece.

Facebook Comments