TRAILER TRUCK AT KOTSE, NAGBANGGAAN SA BINALONAN

Nagbanggaan ang isang trailer truck at kotse sa Binalonan, Pangasinan.

Ayon sa ulat ng Binalonan Municipal Police Station, sangkot sa insidente ang trailer truck na mula sa San Fernando City, Pampanga, at isang kotse na minamaneho ng isang retiradong seaman mula sa Pozorrubio, Pangasinan.

Batay sa imbestigasyon, magkasalubong ang dalawang sasakyan kung saan patungong Binalonan ang trak habang biyaheng Asingan naman ang kotse.

Pumasok umano sa linya ng truck ang kotse, dahilan upang magbanggaan nang harapan ang dalawang sasakyan.

Sa kabutihang palad, walang nasugatan o nasawi sa parehong driver ngunit dinala ang dalawa sa pagamutan para sa standard protocol ng mga awtoridad.

Parehong nasira ang mga sasakyan, subalit inaalam pa ang kabuuang halaga ng pinsala. Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang mga sasakyan para sa tamang dokumentasyon at imbestigasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments