Trailer truck na may kargang container van, bumalandra sa Taft Avenue sa Pasay City

121

Bumalandra sa kahabaan ng Taft Avenue partikular mula Libertad hanggang Buendia sa Pasay City ang isang trailer truck na may kargang container van.

Ito’y matapos na bumigay ang dugtungan sa pagitan ng truck at ng trailer kung saan nangyari ang insidente kaninang alas-4:30 ng madaling araw.

Kwento ng mga trabahador, paatras ang truck na may plate number na NAG-4814 ng bumigay ang dugtungan at saka bahagyang tumagilid ang container van.


Nabatid na may kargang phenolic board ang container van na gagamitin sa isinasagawang high rise condominium.

Hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring rumerespondeng tauhan ng MMDA at lokal na pamahalaan ng Pasay kaya’t ang mga tanod at tauhan ng construction site ang nagmamando ng trapiko.

Facebook Comments