Train-inspired room ng isang tetsudo fan sa Japan – viral sa social media

63

Japan – Halos hindi makapaniwala ang ilang netizens matapos na ibida online ng isang ‘tetsudo’ fan ang loob ng kanyang kwarto na train-inspired.

Sa unang tingin kasi, aakalain mo na totoong loob ng tren ang nasabing kwarto dahil gayang-gaya nito ang detalye ng mga upuan, bintana, pinto at maging ang kurtina ng mga tren sa Japan.

Kwento ng tetsudo fan o Japanese train enthusiast na nakilala lang sa kanyang twitter username na @igaigaadjmadjml, halos libutin na niya ang buong Japan dahil sa sobrang pagka-obssess sa mga tren.

Kaya naman sa halip na bumiyahe, naisipan na lang niyang disenyuhan ng train car ang kanyang kwarto.

Ang mga hapon ay kilala talaga sa kanilang pagkahumaling sa mga bagay na may kaugnayan sa tren.

DZXL558

Facebook Comments