
Magsisimula na ngayong araw ang transition para sa pagpapalit ng liderato sa Presidential Communications Office.
Ayon kay outgoing Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Cesar Chavez, ipapakilala niya ngayong araw si incoming PCO Secretary Jay Ruiz sa Management Committee ng ahensya.
Magtatagal aniya ang transitiong ng liderato sa loob ng isang linggo.
Ito ay para pagdating ng March 1 ay plug-and-play na kay Ruiz ang pagiging bagong kalihim ng PCO.
Matatandaang nagbitiw bilang kalihim ng PCO si Chavez noon pang February 5 dahil hindi niya lubusang natugunan kung ano ang inaasahan sa kaniya.
Tiniyak naman ni Chavez na mananatili siyang tagasuporta ng administrasyong Marcos at patuloy na susuportahan ang adhikain nito habang tinatahak ang bagong landas sa labas ng gobyerno.