Transport caravan kontra jeepney modernization, nagdulot ng perwisyo sa mga pasahero

98

Manila, Philippines – Perwisyo ang inabot ng mga pasaherong papasok ng trabaho at eskwelahan sa ikinasang transports strike ng iba’t-ibang grupo ng mga operator at driver ng mga jeep sa bansa.

Kabilang sa mga naapektuhan ang may biyahe sa Pasig, Cubao sa Quezon City, Marikina, Antipolo at Montalban.

Paralisado din ang biyehe ng jeep sa Malolos, San Jose Del Monte, Baliwag, San Jose, Santa Maria sa Bulacan.

Sa Quezon City, limang linya ng Elliptical Road ang sinakop ng grupong Piston, No to jeepney Phase-Out Coalition at Save Our Jeepney Network.

Sa interview ng RMN kay Piston National Capital Region President Modesto Floranda – gusto nilang iparating kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil ang jeepney modernization.

Facebook Comments