TRANSPORT GROUP SA PANGASINAN, HINDI KASALI SA NATIONWIDE STRIKE NGAYONG ARAW

Hindi kasali sa nagaganap na nationwide strike ngayong araw ng Lunes, Oct. 16, ang mga transport group sa lalawigan ng Pangasinan.
Tuloy ang pasada ng mga pampasaherong sasakyan sa iba’t-ibang bayan at lungsod sa lalawigan.
Matatandaan na ang tigil pasada ng ilang mga transport group sa bansa partikular ang MANIBELA ay kanilang pagpapahiwatig ng kanilang pag di sang-ayon kaugnay nalalapit na jeepney phaseout at sa isinusulong ng LTFRB na PUV modernization program.

Ang mga jeepney drivers sa Dagupan City, daing pa rin hanggang ngayon ang modernization program partikular sa kabuuang halagang piso na kinakailangan para makakuha ng modernized PUV.
Panawagan ng mga ito na sana umano ay magkaroon pa ng extension ng pamamasada ng mga tradisyunal jeepney. |ifmnews
Facebook Comments