Traslacion ng itim na Nazareno sa susunod na taon, posibleng makansela dahil sa COVID-19

66
FILE PHOTO

Nanganganib na makansela ang Traslacion ng itim na Nazareno sa susunod na taon dahil sa COVID-19.

Ito ay matapos sabihin ni Manila Mayor Isko Moreno na pabor siya na wala munang prusisyon sa susunod na taon ng itim na Nazareno.

Ayon sa Alkalde, hindi pa rin kasi nawawala ang panganib ng pagkahawa-hawa dahil sa virus.

Giit ni Moreno, isa rin sa utos ng Panginoong Diyos ay mahalin at pangalagaan ang sarili kaya’t aniya dapat ito ang isipin ng milyon-milyong deboto ng Nazareno.

Facebook Comments