Traslacion sa susunod na taon, dedepende pa rin sa sitwasyon ng COVID-19 at assessment sa Nazareno 2023

Photo by Radyoman Jhon Alimurong

Nakadepende sa lagay ng pandemyang dulot ng COVID-19 kung babalik na ang Traslacion sa susunod na taon.

Ito ang inihayag ni Father Earl Valdez ang tagapagsalita ng Quiapo Church kumg saan wala pang plano sa ngayon para sa Nazareno 2024.

Aniya, ang malinaw lamang ay kung wala na ang pandemya, posibleng ibalik ang Traslacion pero depende ito sa magiging resulta ng usapan at desisyon.


Dagdag pa ni Father Valdez, ang malinaw ay isasama nila sa mga pagbabago sa hinaharap ang lahat ng natutunan sa pagdaraos ng Nazareno 2023.

Pag-aaralan din nila katuwang ang ilang ahensiya ng pamahalaan kung ano ang magiging hakbang, plano o desisyon sa hinaharap matapos ang assessment sa mga naging aktibidad sa Nazareno 2023.

Facebook Comments