TRAVEL ABROAD | Sec. Guevarra, umalma sa hindi pagpapaalam ni Trillanes sa Davao RTC

Manila, Philippines – Pinuna ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang hindi pagpapaalam ni Senador Antonio Trillanes sa Davao RTC bago ito bumiyahe abroad.

Sinabi ni Guevarra na bilang pagrespeto sa korte, ang akusado sa kasong kriminal ay dapat nagpapaalam sa korte bago bumiyahe sa labas ng bansa.

Ayon kay Guevarra, may kaukulang parusa ang hindi pagsunod sa nasabing legal na proseso.


Gayunman, hindi na inilahad pa ng kalihim ang magiging sunod na hakbang ng DOJ.

Samantala, maari daw ulit hilingin ng Davao Court na mag-isyu ng HDO para kay Trillanes para sa susunod na biyahe nito sa Amerika sa Enero.

Si Trillanes ay may 4 counts libel case sa Davao RTC Branch 54.

Facebook Comments