Travel ban sa India at anim pang bansa, pinalawig ng pamahalaan hanggang June 30

Mananatiling nakasara ang border ng Pilipinas sa mga biyaherong magmumula sa India at anim na iba pang bansa bilang pag-iingat sa COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang travel restrictions sa mga pasahero galing India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates (UAE), at Oman ay pinalawig hanggang katapusan ng Hunyo.

Ito ang pangalawang beses na in-extend ng gobyerno ang travel ban sa pitong bansa para hindi makapasok ang nakakamatay na COVID-19 variant na unang na-detect sa India.


Facebook Comments