Travel Ban sa mga OFW sa Taiwan, Binawi na ng Gobyerno- OWWA Region 2

106

*Cauayan City, Isabela**-Binawi na ng gobyerno ang naunang pahayag na travel ban sa bansnag Taiwan dahil sa banta ng COVID-19 sa mga Overseas Filipino Workers.*
Ayon kay OWWA Regional Director Luzviminda Tumaliuan, mahigit 100 na OFWs na pabalik sana ng taiwan ang lubhang naapektuhan sa travel ban ng pamahalaan.
Nilinaw nito na simula sa Lunes, Pebreo 17, 2020 ay hindi na magbibigay ng financial assistance ang OWWA sa mga OFWs dahil sa pagbawi ng travel ban sa bansang Taiwan.
Patuloy naman aniya na bukas ang tanggapan ng OWWA Region 2 para sa mga OFW na dudulog sa kanilang tanggapan.

Facebook Comments