Travel ban sa US border, pinalawig pa ng isang buwan

35

Pinalawig pa ng Estados Unidos ang pagbabawal sa mga non-essential travel sa kanilang border sa Canada at Mexico ng isang buwan o hanggang Setyembre 21, 2020.


Ayon kay acting US Homeland Security Department Secretary Chad Wolf, isa itong paraan para mapigilan ang pagkalat ng Coronavirus.

Patuloy aniya silang nakikipagtulungan sa kanilang Canadian at Mexican partners para rito.

Unang ipinatupad ang travel ban noong Marso na magtatapos sana sa Agosto 21.

Facebook Comments