
Bawal na ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) security na hawakan ang passports ng mga pasaherong pumapasok sa paliparan para sa security verification.
Kasunod ito ng insidente kung saan isang pasahero ang nagreklamo matapos ang sinasabing pagkapunit ng kanyang passport nang mag-check in sa NAIA Terminal 3.
Bunga nito, ang pasahero na lamang ang magbubukas ng kanyang passport o ano mang travel documents pagpasok sa paliparan.
Tiniyak naman ng New NAIA Infra Corporation (NNIC) ang kanilang patuloy na ugnayan sa Department of Transportation (DOTr), at sa Bureau of Immigration (BI) para matiyak naman hindi na mauulit ang insidente.
Nilinaw naman ng NNIC na walang naitalang insidenteng kinasasangkutan ang NAIA security personnel hinggil sa pagkasira ng travel documents ng pasahero.