Traysikel Drayber na may Labing-isang Saksak, Narekober sa Angadanan, Isabela!

Angadanan, Isabela- Narekober ang isang bangkay ng lalaki na mayroong labing-isang tama ng saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan sa Brgy. Campanario, Angadanan, Isabela kahapon.

Batay sa ipinadalang impormasyon sa RMN Cauayan, kinilala ang biktima na si Dominic Eligores, trentay tres anyos, walang asawa, traysikel drayber at residente ng Brgy. Nakar, San Guillermo, Isabela.

Base naman sa imbestigasyon ng PNP Angadanan, nakatanggap umano ng tawag mula sa isang concerned citizen ang kanilang himpilan na mayroon umanong nakitang bangkay ng isang lalaki sa bahaging lansangan ng Brgy. Campanario.


Agad namang tinungo ng kapulisan ang naturang barangay at dito nakumpirma ang isang bangkay ng lalaki na mayroong apat na tama ng saksak sa bahaging dibdib, isang saksak sa kili-kili, tatlong saksak sa likod, isang malalim na sugat sa kilay at isang laslas sa leeg.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang pagsisiyasat ang PNP Angadanan hinggil sa pagkakakilanlan ng suspek at motibo sa pagpatay sa biktima.

Facebook Comments