Tree Planting, Isasagawa ng mga Kabataang Ilagueño!

*Cauayan City, Isabela-* Nakatakdang magsasagawa ngayogn araw ng tree planting activities ang mga kabataang Ilagueño bilang bahagi pa rin sa ipinagdiriwang na “Linggo ng Kabataan”.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Sanggguniang Kabataan Federation President Nicole Lean Balingao, kasama nilang makikiisa ang 91 S.K Chairman ng Lungsod, Interpreter Fratternity Council, 8 Grupo ng Fratternity at mga estudyante mula sa ibat-ibang eskwelahan ng nasabing siyudad.

Ang mga nasabing kabataan at iba’t-ibang grupo ay magtatanim ng 2,000 punong kahoy ng Mahogany sa Ilagan City Sanctuary.


Ito ay bahagi pa rin sa mga programang pangkalikasan ni City Mayor Josemarie Diaz.

Kaugnay nito, nagpapasalamat ang pamunuan ng kabataan dahil binigyan sila ng puwang sa lipunan at pagkakataon na makiisa sa magandang layunin ng pamahalaan at bilang bahagi sa pagsulong ng siyudad ng Ilagan.

Facebook Comments