TRENDING | Cesar Montano, nagsalita na sa kanyang viral video greeting

Manila, Philippines – Binasag na ng aktor na si Cesar Montano ang kanyang katahimikan kaugnay ng kanyang video greeting na nag-viral video.

Sa pamamagitan ng matalik niyang kaibigan na si Dolly Anne Carvajal, nagpaliwanag ang aktor tungkol sa video greeting niya para sa isang konsehal na naging viral dahil sa babaeng tila nakahubad na nahagip ng kanyang cellphone camera.

Pahayag ni Cesar sa mensaheng ipinadala niya kay Dolly Anne, hindi daw siya makapaniwala na libu-libo ngayon ang nagre-request sa kanya ng video birthday greetings.


Pero, hindi naman nabanggit ni Buboy kung sino at kung ano ba talaga ang totoo sa umano ay hubad na babae sa kanyang background.

Nitong linggo ay kumalat sa social media ang video greeting ni Cesar para sa isang kagawad.

Ginawan ito ng spoof, parody at maging challenge ng ilang netizens, kabilang na ang radio DJ’s na sina Sam YG at Tony Toni.

Facebook Comments